Idinaos kahapon, Disyembre 17, 2021, sa pamamagitan ng video link, ang taunang pulong ng Advisory Council ng Belt and Road Forum for International Cooperation.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Belt and Road Initiative (BRI) ay isang inisyatiba para sa pag-asa, pag-unlad, pagkakataon, at magandang kapaligiran, at makakabuti rin ito sa komong kapakanan ng lahat ng mga bansa.
Dagdag ni Wang, nitong 8 taong nakalipas sapul nang iharap ang BRI, natamo ng Tsina at mga katuwang na panig ang maraming bunga sa kooperasyon ng BRI, na sumasaklaw sa mga aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, kalakalan, pagpapalitan ng mga mamamayan, at iba pa.
Hindi lumikha ang BRI ng umano'y "debt trap," o nagdulot ng pinsala sa ekolohiya sa anumang bansa, diin niya.
Nanawagan din si Wang, para igiit ang ideyang "mamamayan muna" sa kooperasyon ng BRI, para magbigay-pokus ang iba't ibang panig sa paglaki ng kabuhayan, paglikha ng hanapbuhay, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao, pagbabawas ng karalitaan, at pagharap sa pandemiya ng COVID-19.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
9.2 trilyong USD: kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansa ng BRI
Xi Jinping, nanawagan para sa tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng BRI
Tsina at Pilipinas, tuluy-tuloy na pinapasulong ang kooperasyon sa pamamagitan ng BRI
Tsina, handang makipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa larangan ng enerhiya
Binondo-Intramuros Bridge, matatapos sa unang kuwarter ng 2022