PNP: di-kukulangin sa 208, patay sa bagyong Odette: Tsina, handang magkaloob ng tulong

2021-12-20 16:06:28  CMG
Share with:

Ini-ulat Lunes, Disyembre 20, 2021 ng Philippine National Police (PNP), na di-kukulangin sa 208 ang bilang ng mga nasawi dahil kay bagyong “Odette (Rai).”

Samantala, inilathala naman sa social media nitong Linggo ni Gobernador Arthur Yap ng Bohol, na grabeng nasira ng bagyong Odette ang agrikultura at iba pang larangan sa kanyang probinsya.

Bilang tugon, napasugod nang araw ring iyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga apektadong lugar.

Hiniling niya na agarang ipamigay ang mga pagkain, maiinom na tubig, tolda at iba pang pangkagipitang materyal upang saklolohan ang mga apektadong mamamayan.

Dala ang napakalakas na hangin, ulan, at baha, nag-land fall Disyembre 16, 2021 ang bagyong Odette sa Siargao.

Ito ang isa sa mga pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas, nitong mga nakalipas na taon.

Dulot nito, napilitang lumikas ang di-kukulanging 700 libong residente, at naaapektuhan ang mahigit 1.18 milyong mamamayang Pilipino.

Samantala, sa artikulong ipinalabas kamakailan sa Facebook ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ipina-abot nito ang kalungkutan sa mga pinsalang dulot ng bagyong Odette.

Nakahanda anito ang Tsina, na antabayanan ang lahat ng apektadong pamilyang Pilipino upang magkakasamang harapin ang kalamidad.

Magkakaloob ng tulong ang Tsina sa mga apektado, dagdag ng artikuklo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method