Dala ang napakalakas na hangin, ulan, at baha nag-land fall Disyembre 16, 2021, ang bayong “Odette (Rai)” sa Siargao.
Dulot nito, napilitang lumikas ang ilang daang libong residente.
Bukod pa riyan, sa gawing timog at gitna ng Pilipinas, maraming puno ang nabuwal, napinsala ang mga kalsada at pabahay, at nawalan ng koryente ang ilang milyong residente.
Sinabi Linggo, Disyembre 19 ni Arthur Yap, Gobernador ng Probinsyang Bohol, na di-kukulangin sa 49 katao sa kanyang probinsya ang nasawi, ngunit, hindi pa isinali ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga kaukulang datos.
Ayon sa NDRRMC, hanggang noong Disyembre 18, nasa 31 ang namatay, 3 ang nasugatan, at isa ang nawawala dahil kay bagyong Odette.
Samantala, sa artikulong ipinalabas sa Facebook Biyernes ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ipina-abot nito ang kalungkutan sa mga pinsalang dulot ng bagyong Odette sa Pilipinas.
Nakahanda anito ang Tsina, na antabayanan ang lahat ng apektadong pamilyang Pilipino at magkakasamang harapin ang kalamidad.
Nakahanda anito ang Tsina, na magkaloob ng tulong sa mga apektadong mamamayang Pilipino upang mapagtagumpayan ang kahirapang ito.
Sa kabilang dako, ipinahayag din ng lahat ng bumubuo ng Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG), ang hangaring maging ligtas ang lahat ng Pilipino at pagpapala ng Maykapal.
Salin: Lito
Pulido: Rhio