Ministrong Panlabas ng Tsina: pasulungin ang mapayapang pag-unlad sa kabila ng nagbabagong kapaligirang pandaigdig

2021-12-20 16:40:13  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Disyembre 20, 2021, sa Simposyum ng Pandaigdigang Situwasyon at Diplomatiko ng Tsina sa2021, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na sa pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan ang nukleo ay si Pangulong Xi Jinping, nalikha ang bagong kalagayan sa taong 2021 sa kabila ng nababagong situwasyong pandaigdig.

Ministrong Panlabas ng Tsina: pasulungin ang mapayapang pag-unlad sa kabila ng nagbabagong kapaligirang pandaigdig_fororder_01wangyi

Aniya, nitong isang taong nakalipas, sa patnubay ng head-of-state diplomacy, walang humpay na itinatag ng Tsina ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ito ang naghahayag ng tunay na kuwento ng mga mamamayang Tsino at CPC.

 

Tinukoy ni Wang na sa taong 2022, idaraos ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

Ministrong Panlabas ng Tsina: pasulungin ang mapayapang pag-unlad sa kabila ng nagbabagong kapaligirang pandaigdig_fororder_0102wangyi

Kaugnay nito, patuloy aniyang magsisikap ang diplomasya ng Tsina para lumikha ng mas matatag at mas mabuting kapaligiran para sa dakilang usapin ng CPC at bansa.

 

Hinggil dito, sinabi ni Wang na; una, dapat buong lakas na magsikap ang diplomasya ng Tsina para matagumpay na maidaos ang 2022 Beijing Winter Olympic Games; ikalawa, harapin ang maraming hamon sa panahon matapos ang pandemiya; ikatlo, pasulungin ang pagsasagawa ng Global Development Initiative; ika-apat, palawakin at pasulungin ang partnership ng buong daigdig; ikalima, pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano; ikaanim, buong tatag na pangalagaan ang nukleong kapakanan ng buong bansa.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method