CMG Komentaryo: White Paper sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong, Tiyak na mabibigo ang anumang puwersang panlabas na humahadlang sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong

2021-12-21 16:59:55  CMG
Share with:

Natapos ang halalan ng ika-7 Konsehong Lehislatibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at inilabas Disyembre 20, 2021, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong sa ilalim ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

 

Sa white paper, binalik-tanaw ang proseso ng pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong, komprehensibong ipinaliwanag ang prinsipyo at paninindigan ng sentral na pamahalaan ng Tsina sa pagsuporta sa Hong Kong na paunlarin ang demokratikong sistema na angkop sa sariling aktuwal na kalagayan.

 

Tinukoy ng white paper na, ang esensya ng pangunahing problema na lumitaw sa proseso ng pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong nitong mahigit 20 taong nakalipas, ay kung pangangalagaan o hindi ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema.” Ang puwersang laban sa Tsina at mga puwersang panlabas na nasa likod nila, ay totoong kriminal na humahadlang sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong.

 

Ang katotohanan ay lubos na nagpakita na ang demokrasyang pangkanluran ay nagdulot ng kaguluhan para sa Hong Kong. Ang demokrasya ng Hong Kong ay dapat sumunod sa patakaran ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at pundamental na batas ng Hong Kong, at isakatuparan ang prinsipyo ng “pamamahalaan ng mga makabayang taga-Hong Kong .”

 

Ang sentral na pamahalaan ng Tsina ay matatag na pinuno, tagasuporta at tagataguyod para sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong. Tiyak na mabibigo ang anumang puwersang panlabas na humahadlang sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong.

CMG Komentaryo: White Paper sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong, Tiyak na mabibigo ang anumang puwersang panlabas na humahadlang sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong_fororder_微信图片_20211221170254_conew1

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method