Nilagdaan Disyembre 22, 2021, sa Yangon, Myanmar, ng China National Biotec Group (CNBG), subsidiary ng Sinopharm, at Ministri ng Industriya ng Myanmar, ang kasunduan ng pagsuplay ng semi-finished na bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa seremonya ng paglalagda, ipinahayag ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na ang paglagda ng kasunduang ito ay mayroong mahalagang katuturan para sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa paglaban sa COVID-19.
Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar, para buong tatag na pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19, at magkasamang isakatuparan ang mungkahing pangkooperasyon na “kalasag ng kalusugan” ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para magamit ng mas maraming mamamayan ng Myanmar ang bakuna kontra COVID-19 na ipoprodyus mismo ng kanilang bansa.
Samantala, sinabi naman ni Charlie Than, Union Minister for Ministry of Industry ng Myanmar, na patuloy na magsisikap ang Myanmar, kasama ng Tsina, para magkasamang iprodyus ang mahalagang bakuna at iba pang gamot para sa serbisyong medikal ng Myanmar.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio