Usapin ng Myanmar, kailangang lutasin sa paraang pulitikal – Tsina

2021-09-09 10:54:14  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Setyembre 7, 2021 ni Dwa Lashi La, “Umaaktong Pangulo” ng “National Unity Government” (NUG) ng Myanmar,” ang paglulunsad ng “people’s defensive war” laban sa military junta, upang pumasok sa state of emergency ang buong Myanmar.

Bukas namang kinondena ng military junta ang tangka ng NUG na maglunsad ng marahas na pananalakay at sirain ang katatagang panlipunan.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 8 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at malinaw ang paninindigan ng panig Tsino sa situwasyon ng Myanmar.

Aniya, bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar, palagiang naninindigan ang panig Tsino na sa pangmalayuang kapakanan ng estado at mga mamamayan, kailangang hanapin ng iba’t-ibang partido at paksyon ng Myanmar ang maayos na kalutasan sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal para mapanumbalik ang katatagang panlipunan at pasimulan muli ang proseso ng demokratikong transpormasyon sa lalong madaling panahon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method