Opisyal na magkakabisa Enero 1, 2022, ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ang kasunduang ito ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa pagbangon at paglaki ng kabuhayan ng buong mundo.
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 23, 2021, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa kasalukuyan, handa na ang iba’t ibang kinauukulang gawain sa loob ng Tsina kaugnay ng pagsisimula ng RCEP.
Ipinahayag din ni Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng Sentro ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ang pagkakabisa ng RCEP ay tiyak na lilikha ng mas malawak na espasyo para sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin:Sarah
Pulido:Mac