Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, magkakabisa sa unang araw ng Enero, 2022 ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa 6 na kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Laos, Singapore, Thailand, Biyetnam; at 4 na di-kasaping bansa ng ASEAN na kinabibilangan ng Tsina, Hapon, New Zealand, at Australia.
Ang RCEP ang pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa daigdig, at taglay nito ang katumbas ng halos 30% ng kabuuang kabuuang populasyon, bolyum ng kabuhayan, at halagang pangkalakalan ng buong mundo.
Pormal na nilagdaan ng 15 bansa noong Nobyembre 15, 2020 ang RCEP.
Salin: Lito
Pulido: Rhio