Pagre-rehistro ng mga mamamahayag sa 2022 Beijing Media Center, sisimulan bukas

2021-12-24 17:02:48  CMG
Share with:

Opisyal na sisimulan 10:00 a.m. Disyembre 25, 2021, ang pagrerehistro ng mga mamamahayag para sa 2022 Beijing Media Center, pasilidad na magkakaloob ng serbisyo para sa mga media na hindi nakapagrehistro sa 2022 Beijing Olympic Games pero sila ay lehitimong mga mamamahayag o miyembro ng media.

 

Matatagpuan ang 2022 Beijing Media Center sa Sentro ng Pulong ng Beijing International Hotel, at ipagkakaloob nito ang serbisyo mula Pebrero 1, 2022, hanggang Pebrero 20.

 

Ang deadline ng pagpaparehistro ng mga mamamahayag ay 10:00 a.m. ng Enero 10, 2022. Maaaring magrehistro ang mga mamamahayag sa pamamagitan ng official website http://www.2022bmc.cn na bubuksan din bukas.

Pagre-rehistro ng mga mamamahayag sa 2022 Beijing Media Center, sisimulan bukas_fororder_05media

(File Photo)

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method