Matatagpuan sa Beijing, ang Wukesong Sports Center ay modelo ng sustenableng paggamit ng pamana ng Beijing 2008 Olympic Games.
Minsan’y ginanap dito ang mga paligsahan ng basketball ng Olimpiyada, at sa gaganaping Beijing 2022 Olympic Winter Games, dito idaraos ang mga paligsahan ng women's ice hockey at ilang paligsahan ng men’s ice hockey.
Ang renobasyon sa Wukesong Sports Center ay hindi lamang nakakatugon sa pangangailangan ng Winter Olympics, kundi nagsasaalang-alang din sa paggamit ng naturang lugar pagkatapos ng Olimpiyada.
Pagkatapos ng renobasyon, maaaring baguhin ang basketball venue at gawing ice hockey stadium sa loob ng 6 na oras. Ito ang kauna-unahang venue sa Tsina na pwedeng pagdausan ng mga paligsahan ng kapwa basketball at ice hockey.
Bukod dito, lubos na ginagamit ng naturang venue ang mga bagong teknolohiya, bagong ideya, at bagong materyal, para komprehensibong mapataas ang kakayahan nito sa mga aspektong gaya ng pagtitipid ng enerhiya, komprehensibong paggamit, pagdaraos ng paligsahan at panonood sa paligsahan at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Mac