Pangulo ng IOC: Magkakaisa ang buong daigdig sa pamamagitan ng Beijing Winter Olympics

2021-12-24 16:58:45  CMG
Share with:

Sa kanyang artikulo sa pinakahuling edisyon ng Olympic Review, ipinahayag ni Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee (IOC), na magiging makasaysayan ang Beijing dahil ito ay magiging unang host city sa daigdig ng kapuwang Summer Olympics at Winter Olympics.

Pangulo ng IOC: Magkakaisa ang buong daigdig sa pamamagitan ng Beijing Winter Olympics_fororder_bach

Sinabi pa ni Bach na sa pamamagitan ng Beijing Winter Olympics, nawa magkaisa ang buong daigdig sa diwa ng kapayapaan, pagkakaibigan at pagbubuklod.

 

Ang Olympic Review ay opisyal na magasin ng IOC. Isinusulat ito sa wikang Ingles, Pranses at Kastila. Para sa edisyon ng buwan ng Disyembre 2021, inilathala nito ang espesyal na bersyon sa wikang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method