Bilang kauna-unahang siyudad sa dagidig na host ng parehong Summer at Winter Olympic Games, ang Beijing ay lilikha ng kasaysayan. Nakahanda na ngayon ang lahat ng mga kinakailangang elemento sa Tsina para matagumpay na itaguyod ang Beijing 2022 Winter Olympics.
Ito ang ipinahayag ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), Linggo, Nobyembre 22, 2021, sa kanyang talumpati sa Ika-40 Olympic Council ng Asia General Assembly sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Babaguhin ng Beijing 2022 ang pagtataguyod ng isports na pantaglamig nang walang hanggan, dagdag pa ni Bach.
Salin: Jade
Pulido: Mac