Nanawagan kahapon, Disyembre 24, 2021, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para maging mas malalim at malawak ang bunga ng kampanya ng pag-aaral sa kasaysayan ng CPC.
Ang naturang kampanya ay isinagawa sa lahat ng mga miyembro ng partido sa taong ito, na sentenaryo ng CPC.
Sinabi ni Xi, na sa pamamagitan ng kampanya, napalakas ang kamalayang pangkasaysayan, kompiyansa, kakayahan sa inobasyon, at pagkakaisa ng buong partido.
Umaasa aniya siyang, magiging pangmatagalan at regular ang pag-aaral sa kasaysayan, mga prinsipyo, at bagong teorya ng CPC, para buong husay na pamunuan ng partido ang mga mamamayang Tsino sa bagong landas tungo sa bagong tagumpay, at gawin ang paghahanda para sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC na idaraos sa susunod na taon.
Editor: Liu Kai