Pangulong Xi, bumati sa anibersaryo ng United Russia Party

2021-12-02 16:34:35  CMG
Share with:

Kahapon, Diyembre 1, 2021 sa okasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng naghaharing partido ng Rusya na United Russia, nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
 

Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng taos-pusong pagbati si Xi sa United Russia at sinabing bilang mahalagang puwersang pulitikal, aktibong nagsisikap ang nasabing partido para maipatupad ang mga estratehikong  polisiya ni Pangulong Vladimir Putin at pinasusulong ang matatag na kalagayang pulitikal, masiglang kabuhayan, mabuting pamumuhay ng mga mamamayan at mas mataas na kalagayan ng Rusya sa pandaigdigang  entablado, na nakatawag ng malawakang suporta sa loob ng bansa.
 

Tinukoy pa ni Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo din ng pagkatatag ng relasyon sa pagitan ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) at United Russia. Mataas na pinahahalagahan ng CPC ang pagkakaibigang ito at umaasang patuloy na palalakasin ang mekanismo ng pagpapalitan at pagtutulugan, at pasusulungin ang relasyong Sino-Ruso sa mas mataas na antas sa bagong era.

Salin: Sissi

Pulido: Mac

Please select the login method