Idinaos mula Disyembre 25 hanggang 26, 2021 dito sa Beijing, ang taunang central rural work conference ng Tsina.
Dito ay mabuting pinag-aralan ng mga kalahok ang talumpating binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pulong ng Pirmihang Lupon ng Pulitibro ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ayon sa naturang talumpati, sa harap ng iba’t-ibang hamon at panganib, dapat mainam na isagawa ang mga gawain kaugnay ng agrikultura, kanayunan at mga magsasaka.
Layon nitong igarantiya ang matatag na pag-unlad ng kanayunan at agrikultura.
Binigyan-diin sa talumpati ni Xi, na kailangang kipkipin ng mga mamamayang Tsino ang kanilang mangkok na nag-uumapaw sa kaning pangunahing nagmula sa lupa ng Tsina.
Anito pa, ang paggarantiya ng kaligtasan ng pagkain ay komong responsibilidad ng lahat.
Sinabi pa ni Xi sa talumpati, na ang pagpapanatili ng bunga ng paghulagpos mula sa karalitaan ay paunang kondisyon ng pagbangon ng mga kanayunan.
Samantala, kaugnay ng mga gawaing pang-agrikultura, kanayunan at magsasaka sa taong 2022, tinukoy sa pulong na dapat igiit ang matatag na pangkalahatang direksyon, nararapat pasulungin ang dekalidad na pag-unlad, at pabilisin ang magkakasamang kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan.
Dapat igiit ang patnubay ng CPC sa gawaing ito, para patatagin ang komprehensibong pagbangon ng mga kanayunan ng Tsina, ayon pa sa pulong.
Salin: Sarah
Pulido: Rhio