Ayon sa impormasyon mula sa Ministri ng Agrikultura at Kanayunan ng Tsina, hanggang noong Setyembre 27, 2021, mahigit 20% pagkain ng Taglagas sa buong bansa ang inani na ang progresong ito ay magkatulad sa nagdaang taon.
Ipinalalagay ng mga kaukulang personahe na sa kasalukuyang taon, maaasahan ang pag-aani ng pagkain ng Taglagas sa buong bansa.
Bukod dito, inilaan sa taong ito ng pamahalaang sentral ang halos 44 bilyong yuan RMB para sa luntiang pag-unlad ng agrikultura.
Sinabi ng naturang ministring Tsino na palalakasin ng bansa ang pangangalaga sa yaman at kapaligirang agrikultural at daragdagan ng laang-gugulin ang luntiang pag-unlad ng agrikultura.
Salin: Lito