Itinapon kamakailan ng Nigeria ang 1.06 milyong dosis na paso o expired na bakuna ng AstraZenaca kontra Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon sa media, sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access Facility (COVAX), tinanggap ng Nigeria ang mga bakuna galing sa mga bansang kanluranin, pero 4-6 linggo na lamang ang bisa ng mga bakuna nang dumating ng Nigeria.
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 27, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ayon sa nabatid, bukod sa Nigeria, may katulad na problema ang ibang mga bansang Aprikano na tulad ng Senegal, Malawi, Democratic Republic of the Congo at iba pa.
Umaasa aniya ang Tsina na aktuwal na isakatuparan ng kinauukulang bansa ang pangako at ipagkakaloob ang mas maraming ligtas at mabisang bakuna sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng Aprika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac