Bagong bakuna ng Sinopharm, inaprohan ng UAE bilang booster jabs

2021-12-28 15:54:43  CMG
Share with:

Inaprobahan kahapon, Disyembre 27, 2021 ng Ministri ng Kalusugan at Prebensyon ng United Arab Emirates (UAE) ang pangkagipitang paggamit ng bagong recombinant protein vaccine ng China National Pharmaceutical Group (Sinopharm) bilang booster jabs.
 

Ayon sa nasabing ministri, ipinakikita ng pananaliksik na ang paggamit ng nasabing bakuna sa mga taong naturukan ng dalawang dosis ng inactivated vaccine ay makakapagpataas ng immunity laban sa virus, at mabisa rin ito para sa pagharap sa mga bagong variant ng coronavirus.
 

Simula Enero ng 2022, ipagkakaloob ang nasabing bakuna sa mga mamamayan bilang booster jabs, para ibayo pang pigilan ang pagkalat ng coronavirus.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method