Nilagdaan Disyembre 24, 2021, ng pamahalaang Tsino at pamahalaan ng Cuba ang planong pangkooperasyon sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 27, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa bagong taon ng 2022, patuloy na pauunlarin ang kooperasyon ng BRI para walang humpay na matamo ang de-kalidad at sustenableng bunga na magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan.
Aniya pa, sa susunod na yugto, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang kinauukulang panig, upang igigiit ang prinsipyo ng malawak na konsultasyon, magkakasanib na kontribusyon, at pinagbabahaginang mga benepisyo; at isasagawa ang bukas, berde at malinis na kooperasyon, para lalo pang pasulungin ang pakikipagkoordina ng BRI sa mga planong pangkaunlaran ng ibang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac