Sa kanyang talumpati sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na idinaos Disyembre 27 hanggang 28, 2021 sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na dapat pag-aralan ang mga karunungan at lakas mula sa isang siglong kasaysayan ng CPC.
Kasabay nito, binigyan-diin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng konstruksyon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Sa kanyang pangungulo sa dalawang araw na "pulong ng demokratikong buhay," nanawagan din si Xi na palakasin ang kompiyansang historikal at pagkakaisa ng nasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio