Delta at Omicron variant ng COVID-19, dobleng banta sa buong mundo —— WHO

2021-12-30 16:47:28  CMG
Share with:

Ipinahayag Disyembre 29, 2021, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na sa kasalukuyan, idinudulot ng mga Delta at Omicron variant ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang “dobleng banta” sa buong mundo.

Delta at Omicron variant ng COVID-19, dobleng banta sa buong mundo —— WHO_fororder_02谭德塞

Dahil sa dalawang ito, nalikha aniya ang bagong rekord ng kumpirmadong kaso COVID-19 at bilang ng mga pumanaw sa mga ospital.

 

Sabi pa niya, mas malakas makahawa ang Omicron variant.

 

Nanawagan muli si Ghebreyesus sa iba’t ibang bansa para sa pagkakaroon ng mas pantay na paraan ng pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19, at hiniling sa mga mamamayan na isagawa ang mas komprehensibong protektibong hakbangin.

 

Sa kabilang dako, optimistiko pa rin siya na matatapos ang acute phase ng pandemiya sa taong 2022.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method