Aprika, dadalawin ng FM ng Tsina sa pagsisimula ng 2022

2021-12-31 15:50:11  CMG
Share with:

Ipinahayag Disyembre 30, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Enero 4 hanggang 7, 2022, dadalaw si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Eritrea, Kenya at Comoros.

Aprika, dadalawin ng FM ng Tsina sa pagsisimula ng 2022_fororder_01zhaolijian

Tapos, sa paanyaya ng Maldives at Sri Lanka, dadalaw din si Wang sa dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Zhao na mula noong 1991, sa pagbubukas ng bagong taon, palaging unang dinadalaw ng Ministrong Panlabas ng Tsina ang mga bansa sa Aprika.

 

Aniya, lubos na ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Aprikano, malalim na pagkakaibigan ng Tsina at Aprika, at matatag na suporta ng Tsina sa pag-unlad ng Aprika.

 

Mataas na pinahahalagahan ito ng komunidad ng daigdig, na kinabibilangan ng mga bansang Aprikano, dagdag ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method