Pagkakaroon ng bisa ng RCEP sa 2022 magdudulot ng aktuwal na benepisyo sa mga kasapi

2021-12-31 15:51:15  CMG
Share with:

Opisyal na magkakabisa Enero 1, 2022 ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa pagitan ng 10 bansang kinabibilangan ng Brunei, Kambodya, Laos, Singapore, Thailand, Biyetnam, Tsina, Hapon, New Zealand at Australiya.

 

Bukod dito, magkakabisa rin sa Pebrero 1, 2022 ang paglahok sa RCEP ng Timog Korea.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 30, 2021, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang pagsisimula ng RCEP ay magdudulot ng aktuwal na benepisyo para sa mga kompanya at mamimili sa rehiyong ito, na kinabibilangan ng Tsina.

 

Sa araw ng implementasyon ng RCEP, lalampas ng 65% ang proporsyon ng agad na serong taripa sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Australiya at New Zealand.

 

Samantala, aabot sa 39% at 50% ang proporsyon ng agad na serong taripa ng Tsina at Timog Korea.

 

Ayon pa sa salaysay, sa larangan ng kalakalan ng serbisyo, ipinangako ng mga miyembro ng RCEP na bubuksan ang mahigit 100 departamento ng kalakalan ng serbisyo na kinabibilangan ng pananalapi, telekomunikasyon, transportasyon, turismo at iba pa.

Pagkakaroon ng bisa ng RCEP sa 2022 magdudulot ng aktuwal na benepisyo sa mga kasapi_fororder_02rcep

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method