Ipinahayag Miyerkules, Abril 6, 2022 ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, na dapat lubos na bantayan at pahalagahan ng komunidad ng daigdig ang anumang impormasyon hinggil sa biolohikal na aksyong militar.
Winewelkam aniya ng Tsina ang pagsasapubliko ng Rusya ng mga dokumento hinggil sa biolohikal na aksyong militar ng Amerika.
Kaugnay nito, idinaos nang araw ring iyon ng UN Security Council ang Arria Formula Meeting hinggil sa Biolohikal na Seguridad.
Tinukoy ni Dai sa naturang pulong na palagiang iginigiit ng Tsina ang pangkalahatang pagbabawal at pagwasak ng lahat ng mga malawakang pamuksang sandata na kinabibilangan ng mga sandatang biolohikal.
Sinabi pa niyang dapat sundin ng mga signataryong bansa ang layon at prinsipyo ng Biological Weapons Convention.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio