Sinabi kahapon, Abril 8, 2022, ni Zong Ming, Pangalawang Alkalde ng Shanghai, na isasagawa ang bagong round ng COVID-19 nucleic acid test sa lahat ng mga residente sa lunsod.
Dagdag niya, batay sa resulta ng pagtetest, ang iba’t ibang lugar ng lunsod ay isasailalim sa tatlong uri ng sona: lockdown, kontrolado, at may paalala nang pag-iingat at iba’t ibang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 ang ipapatupad sa mga lugar, alinsunod sa magkakaibang lebel ng panganib sa pagkalat ng virus.
Samantala, naitala kahapon sa Shanghai ang 1,015 simptomatikong kaso ng COVID-19, at 22,609 asimptomatikong kaso.
Nitong nakalipas na mga araw sapul nang maganap ang bagong outbreak ng COVID-19 sa Shanghai, inilagay ang lunsod sa pansamantalang closed-off management.
Sa harap ng naiulat na kahirapan ng mga residente sa pamumuhay, ipinahayag ng pamahalaang munisipal ng Shanghai, na buong sikap na tinutugunan nito ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos