Pangulong Tsino, hinimok ang mabilis na pagkontrol sa COVID-19 na may pinakamaliit na epekto sa ekonomiya at kabuhayan

2022-03-18 12:10:28  CMG
Share with:

Hinimok nitong Huwebes, Marso 17, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mabilis na pagkontrol sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa, sa pamamagitan ng nakatuong akmang hakbangin.
 

Winika ito ni Xi habang nangungulo siya sa pulong ng Pirmihang Komite ng Politburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para analisahin ang situwasyon ng pandemiya ng COVID-19 sa bansa.
 

Ipinagdiinan ni Xi na dapat koordinahin ang mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhaya’t lipunan, para maisakatuparan ang pinakamabisang pagkontrol sa pandemiya, na may pinakamaliit na gastusin.
 

Ipinagdiinan din niya ang pangangailangan ng pagpapauna ng mga mamamayan. Hiniling niyang dapat igiit ang mga hakbanging nakabatay sa agham at nakatuong patakaran at ipatupad ang dynamic zero-COVID approach.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method