Obserbasyong medikal ng mahigit 11,000 Tsino, tapos na

2022-04-11 15:29:29  CMG
Share with:

Sa news briefing nitong Linggo, Abril 10, 2022, inanunsyo ng mga lokal na opisyal ng lunsod Shanghai, Tsina, na sapul nang sumiklab ang pinakahuling round ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod, mahigit 11,000 mamamayan ang nakalabas na sa ospital o nagtapos na sa obserbasyong medikal.

 


Hanggang kahapon, 220,627 katao naging close contact sa Shanghai.

 

Kabilang dito, 178,437 ang kumpirmadong hindi nahawahan ng virus, samantalang hinihintay pa rin ng nalalabing bahagi ang resulta ng pagsusuri.

 

Bukod pa riyan, mahigit 110,000 secondary close contact ang kumpirmadong hindi nahawahan ng COVID-19.

 

Ayon sa mga lokal na opisyal, simula noong Sabado, sunud-sunod na dumarating ng Shanghai ang mga suplay na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio