Ipinahayag ngayong araw, Abril 13, 2022 ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na noong unang kuwarter ng taong 2022, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina sa ibang 14 na kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay umabot sa 2.86 trilyong yuan RMB, na lumaki ng 6.9% kumpara sa gayong ding panahon ng taong 2021.
Bukod dito, ang nasabing bolyum ay katumbas ng 30.4% ng kabuuang kalakalang panlabas ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Mac