WTO: Sagupaan ng Rusya at Ukraine, posibleng magbunga ng malaking pagbaba ng kalakalang pandaigdig

2022-04-12 16:21:36  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Sekretaryat ng World Trade Organization (WTO) Lunes, Abril 11, 2022, ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine ay nagbunga ng malubhang negatibong epekto sa kabuhayang pandaigdig, at posibleng bumaba ng halos kalahati ang bahagdan ng paglago ng kalakalang pandaigdig sa taong 2022 kumpara sa pagtaya nauna rito.

 

Tinaya ng nasabing ulat na posibleng bumaba sa 2.4% hanggang 3% ang bahagdan ng paglaki ng kalakalang pandaigdig sa kasalukuyang taon, pero umabot sa 4.7% ang pagtaya ng WTO noong nagdaang Oktubre hinggil dito.

 

Ipinalalagay ng ulat na ang sagupaang ito ay nakapagpataas ng presyo ng pagkain at enerhiya sa buong mundo, at humadlang sa pagluluwas ng mga produkto ng Rusya at Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac