Pangulong Xi, nagpadala ng mensahe kay Pangulong Duterte bilang pakikiramay sa kalamidad ng bagyo

2022-04-18 16:34:47  CMG
Share with:


Nagpadala kahapon, Abril 17, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, bilang pakikiramay sa kalamidad ng bagyong Agaton o tropical storm Megi sa Pilipinas.


Ipinahayag din ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nasawi sa kalamidad at taos-pusong pangungumusta sa kanilang mga kamag-anak at sa mga nasugatan.


Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob ang mga tulong sa panig Pilipino.

 

Salin: Ernest

Pulido: Mac