Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency ng Tsina, 121 katao ang nasawi, samatalang mahigit 100,000 mamamayan ang apektado ng baha, landslide at iba pang kamalidad na dulot ng Bagyong Agaton sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, mahigit 10 lalawigan sa gitna at timog ng bansa ang nasalanta ng kalamidad, at mahigit 13,000 mamamayan ang inilikas na sa mga pansamantalang tirahan.
Dahil sa landslide na dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan, nasira ang maraming lansangan at tulay, bagay na nakapagdudulot ng kahirapan sa gawain ng pagliligtas.
Si Bagyong Agaton ang kauna-unahang tropical storm na dumating sa Pilipinas sa taong 2022.
Salin: Vera
Pulido: Rhio