Nakatakdang makipagkita si Pangulong Joe Biden ng Amerika sa mga lider ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa idaraos na Espesyal na Summit ng Amerika at ASEAN.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 18, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa proseso ng pakikisangkot ng Amerika sa kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asya, umaasa ang Tsina na igagalang nito ang sistemang pulitikal; landas ng pag-unlad; kultura at pagpapahalaga; at susundin ang paraan ng ASEAN sa pagiging bukas, inklusibo at nakabase sa konsensong paraan; at isasakatuparan ang pangako na susuportahan ang sentral na katayuan ng ASEAN sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon.
Aniya, ang rehiyong Asya Pasipiko ay lupain ng pag-unlad at pagtutulungan at hindi ito tau-tauhan sa laro ng kapangyarihan at pulitika; at ang mga bansang ASEAN ay mahahalagang elementong magpapa-unlad ng rehiyong ito at hindi mga piyesa ng ahedres para sa heopolitikal na laro, diin ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio