Amerika, bansang may sistematikong paglapastangan sa karapatang pantao—MFA ng Tsina

2022-04-19 16:21:59  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Abril 18, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinag-uukulan ng pansin ng panig Tsino ang lumalalang kondisyon ng karapatang pantao sa Amerika.

 

Aniya, ipinakikita ng maraming katotohanan ang pagtatanging panlahi, krimeng may kinalaman sa baril, marahas na pagpapatupad ng batas at iba pang problema.

 

Ang mga ito aniya ay hindi manaka-nakang kaso, kundi sistematikong problemang nangingibabaw sa pangmalayuang panahon.

 


Ayon sa ulat, isang 26 na taong gulang na itim na lalaki ang nabaril at namatay sa proseso ng pagpapatupad ng batas ng isang puting pulis sa Grand Rapids, Michigan.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Wang, na unti-unting nagkakaroon ng sistematikong paglapastangan ng karapatang pantao ang Amerika.

 

Dagdag niya, dapat tumpak na pakitunguhan ng panig Amerikano ang malubhang isyung ito sa loob ng sariling bansa, at mataimtim na pag-isipan kung paano pundamental na resolbahin ang lumalalang kondisyon ng karapatang pantao.

 

Salin: Vera

 

Pulido:Rhio