Natapos na kamakailan ng Nuclear Regulation Authority (NRA) ng Hapon ang pagsusuri sa plano ng pagpapalabas ng radioactive wastewater ng Fukushima nuclear power plant sa dagat.
Inaprobahan ng NRA ang planong iniharap ng Tokyo Electric Power Company, at opisyal na ipapalabas ang resulta ng pagsusuri sa Mayo, 2022.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Abril 18, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na iresponsable ang gawaing ito.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Hapon na pahalagahan ang makatuwirang pagkabahala ng komunidad ng daigdig at mga mamamayan ng Hapon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio