Binabalak ng Tokyo Electric Power Company na sisimulan ang pagtatayo ngayong Abril ng tsanel para sa pagtatapon ng kontaminadong tubig nuklear ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa karagatan. Ito ay batay sa kapasiyahan ng pamahalaan ng Hapon noong Abril 13, 2021.
Ang radioactive waste water ay makakapinsala sa karagatan at magdudulot ng mga nakatagong panganig. Kaya ayon sa pinakahuling public poll ng Yomiuri Shinbun, ang karamihan sa mga mamamayang Hapones ay tutol sa nabanggit na plano.
Pero sa kabila ng mga protesta ng mga mamamayang Hapones, hindi pa rin nagbago ang paninindigan ng Hapon.
Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), may obligasyon ang bawat bansang pangalagaan ang kapaligiran ng dagat. Hindi isinagawa ng Hapon ang mga hakbangin para maayos na hawakan ang isyu ng nuclear waste water. Hindi rin isinapubliko ng Hapon ang mga may kinalamang impormasyon at hindi isinagawa ang koordinasyon sa mga pandaigdigang organisasyon at karatig na bansa.
Kaya hindi responsible ang nabanggit na kapasiyahan at plano ng Hapon.
Dapat itigil agad ng Hapon ang plano nitong itapon ang kontaminadong tubig sa dagat para pangalagaaan ang komong tahanan ng buong sangkatauhan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac