Voice, umpisa na; inimbitahan ang mga baguhan sa wikang Tsino sa programang pantelebisyon

2022-04-20 11:51:01  CMG
Share with:

Mula ngayong araw, Abril 20, 2022, isasahimpapawid ng sabay sa China Central Television Channel 1 (CCTV-1) ng China Media Group (CMG) at CMG Mobile ang “Voice,” espesyal na programa ng United Nations (UN) Chinese Language Day.

Ang programa ay magkakasamang itinataguyod ng CMG International Communication Planning Bureau, Center for Language Education and Cooperation at Chinese Plus — pinakamalaking network platform sa edukasyon ng wikang Tsino sa buong daigdig.

Noong taong 2010, inanunsyo ng UN Department of Global Communications ang pagsisimula ng UN Language Days na naglalayong pasulungin ang dibersidad ng wika at kultura at ang pantay na paggamit ng 6 na opisyal na wika sa UN.

Kabilang dito, naitakda ang UN Chinese Language Day sa araw ng Guyu o Grain Rain, isa sa 24 na solar terms ng Tsina bilang paggunita sa ibinigay na ambag ni Cang Jie sa paglikha ng karakter na Tsino.

 

Inanyayahan ng espesyal na programang “Voice” ang mga eksperto sa sirkulong pangwika at pangkultura sa loob at labas ng Tsina para makipagpalitan kasama ng 100 amatyur sa wikang Tsino mula sa 42 bansa ng buong mundo, ng kanilang damdamin at karanasan tungkol sa kasalukuyang kalagayan at prospek ng edukasyon ng wikang Tsino sa daigdig, at makaramdam ng kagandahan ng wikang Tsino at kalawakan at kalaliman ng kulturang Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Mac