National economic performance ng Tsina sa Q1 ng 2022 nagdulot ng positibong enerhiya sa daigdig

2022-04-20 16:02:14  CMG
Share with:

Kaugnay ng national economic performance sa Q1 ng 2022 ng Tsina, ipinahayag nitong Abril 19, 2022, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na komprehensibo ang sistema ng industriya ng Tsina, malawak ang saklaw ng pamilihan, marami ang benepisyo ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas, at malakas ang kakayahan ng pagsasa-ayos sa ekonomiya.

 


Aniya pa, may kakayahan ang Tsina na mabisang harapin ang iba’t ibang hamon, at isakatuparan ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at idudulot ng bansa ang mas maraming positibong enerhiya para sa pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig.

 

May kompiyansa ang mga kompanyang may puhunang dayuhan sa kinabukasan ng ekonomiya ng Tsina, saad niya. Ayon sa kinauukulang ulat, ang 71% ng mga kompanyang Aleman at mahigit 60% na kompanyang Amerikano ay may planong dagdagan ang pamumuhunan sa Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac