Pekeng impormasyon tungkol sa Tsina na kinakalat ng Amerika, dapat agarang itigil

2022-04-22 16:37:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpapahayag kamakailan ni Wendy Sherman, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, ng pagkabalisa sa di-umanong “suporta” ng Tsina sa pananalakay ng Rusya sa Ukraine, ipinahayag nitong Abril 21, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang umanong “pananahimik” o “lihim na pagpayag” ng Tsina sa militar na aksyon ng Rusya sa Ukraine, at ang kahilingan ng Rusya sa Tsina na ipagkaloob ang kagamitang militar, ay purong pekeng impormasyon.

Binigyan-diin ni Wang na dapat agarang itigil ng Amerika ang pagkakalat ng pekeng impormasyon na nakakasira sa Tsina, tumpak na tingnan ang responsibilidad nito sa alitan ng Rusya at Ukraine, at magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para pasulungin ang paglutas ng krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng paraang pulitikal.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac