Isiniwalat Abril 20, 2022 ng National Computer Virus Emergency Response Center ng Tsina ang cyber weapon “Hive” at mga plataporma ng cyber-attack na ginagamit ng Amerika sa buong daigdig, at multiple jump servers at VPN channel na inareglo ng Amerika sa mga bansa na tulad ng Pransya, Alemanya, Kanada, Turkey at Malaysia.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakakabalisa ang malisyosong aktibidad ng Amerika.
Hinihimok ng Tsina ang Amerika na ipaliwanag ang isyung ito, at agarang itigil ang mga kinauukulang gawain, saad niya.
Ani Wang, sa katuwiran ng pagpapataas ng kakayahan, hinihikayat ng Amerika ang mga bansa, partikular, ang mga kapit-bansa ng Tsina, na isagawa ang kooperasyon sa Amerika sa larangan ng cyber security.
Tanong ng tagapagsalitang Tsino, bubukasan ba ng naturang mga kooperasyon ang “backdoor” para sa malisyosong aktibidad sa Internet ng Amerika? Gagamitin ba ito ng Amerika para udyukan ang geostrategic na tunggalian?
Aniya, ang mga kinauukulang bansa ang kailangang magdesisyon para sa kanilang sarili.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio