Ang mga “imbensyong Tsino” na nagbibigay-benipisyo sa daigdig

2022-04-24 15:53:30  CRI
Share with:

Hybrid rice — nagresolba sa problema ng pagkain ng ilang bilyong populasyon

 

Ang Tsina ay unang bansa sa daigdig na matagumpay na sumubok-yari at nagpasulong ng hybrid rice.

 

Ang hybrid rice ay unang agricultural patent technology na iniluwas ng Tsina sa ibang bansa na kilala rin bilang “ikalawang luntiang rebolusyon.”

 

Inilakip ito ng Food and Agriculture Organization ng United Nations (FAO) bilang pinaka-unang teknolohiyang lumulutas sa problema ng pagkaing-butil sa mga umuunlad na bansa.

 

Hanggang sa ngayon, lumaganap na ang hybrid rice ng Tsina sa mahigit 60 bansa’t rehiyon, lumampas sa 7 milyong ektarya ang saklaw ng pinagtataniman nito sa ibang bansa, at naresolba ang problema sa pagkain ng ilang bilyong populasyon sa buong mundo, bagay na nakakapagbigay ng napakalaking ambag sa kaligtasan ng pagkaing-butil.


Habang nasa Pilipinas si Yuan Longping (ika-4 mula sa kaliwa), “Ama ng Hybrid Rice” ng Tsina noong 2003, ipinagdiwang niya kasama nina Santiago Obien (ika-2 mula sa kanan), Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Palay ng Pilipinas sa panahong iyon, at mga kaukulang teknikal na personaheng Tsino at Pilipino ang matagumpay na pagtatanim ng super tropical hybrid rice sa Pilipinas.

Hanggang sa ngayon, lumampas na sa 1 milyong ektarya ang saklaw ng pinagtataniman ng hybrid rice sa Pilipinas.

15 tonelada ang maximum output ng bawat ektaryang sakahan, na 3 beses mas malaki kumpara sa output ng tradisyonal na palay sa lokalidad.

 

Beidou Navigation Satellite System

 

Ang Beidou Navigation Satellite System ay global satellite navigation system na sarilinang itinayo at isinaoperasyon ng Tsina.

 

Kaya nitong ipagkaloob ang mga tamang-tamang serbisyo sa anumang lagay ng panahon at oras.

 

Sa kasalukuyan, ang mga produkto ng nasabing Sistema ay ginagamit sa maraming bansa’t rehiyon sa buong mundo na kinabibilangan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Timog Asya, Silangang Europa, Kanlurang Asya, at Aprika.

 

Ito ay puwersang sumusuporta sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at lipunan.


Sa eksbisyon ng mga tagumpay ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya na idinaos sa Beijing noong Oktubre 2021, pinanood ng mga bisita ang modelo ng Beidou Navigation Satellite System.


Pagpasok ng mga Beidou products sa merkado ng pangingisda ng Myanmar, ipinagkakaloob ng mga ito ang iba’t-ibang uri ng serbisyo sa departamentong tagpagsuperbisa at tagapagpamahala sa pangingisda at mga mangingisda ng Myanmar.

 

Tiangong — China Space Station

 

Sinabi nitong Abril 18, 2022 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kasalukuyang ini-oorganisa ng Tsina at UN Office for Outer Space Affairs (UNOOSA), ang unang pangkat ng proyekto ng pandaigdigang kooperasyon sa China Space Station.

 

Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na nagbukas ang katulad na proyekto para sa lahat ng kasaping bansa ng UN.

 

Hanggang sa ngayon, 9 na proyekto ng 17 bansa at 23 entidad ang naging unang napiling proyekto sa eksperimentong pansiyensiya sa China Space Station.

Sa loob ng China Space Station, Abril ng 2022, nagtatrabaho ang mga Chinese astronaut ng Shenzhou-13.

                    

Bakuna ng Tsina kontra sa COVID-19

 

Ang bakuna ay malakas na sandata sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon sa ulat ng World Intellectual Property Organization (WIPO), ang Tsina ay ang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga kaukulang patente ng bakuna at therapy laban sa COVID-19.

 

Hanggang noong Abril ng kasalukuyang taon, naipagkaloob ng Tsina ang mahigit 2.1 bilyong dosis ng bakuna sa mahigit 120 bansa at organisasyong pandaigdig.

 

Bukod pa riyan, patuloy at magkahiwalay na ipagkakaloob ng Tsina ang 600 milyon at 150 milyong dosis ng bakuna sa Aprika at ASEAN.


Sa isang pabrika ng Beijing na nagpoprodyus ng bakuna, iniimpake ng mga trabahador ang mga bakuna laban sa COVID-19.


Kasunod ng pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na dulot ng Omicron variant noong Enero 5, 2022, pinasimulan sa Jakarta, Indonesia ang pagtuturok ng mga bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina sa mga batang edad mula 6 hanggang 11 anyos.


Salin: Lito
Pulido: Rhio