Ipininid Linggo, Abril 24, 2022 ang 10-araw na ika-131 China Import and Export Fair, o kilala rin bilang Canton Fair.
Ito ang kauna-unahang malaking perya ng kalakalang pandaigdig na idinaos sa Tsina sa kasalukuyang taon.
Kasali rito ang halos 25,500 kompanyang nagtanghal ng mahigit 3 milyong panindang kinabibilangan ng mahigit 950,000 bagong uri ng produkto.
Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), limang Cloud Canton Fair na ang idinaos.
Ito ay nagsilbing saksi sa pagpapabilis ng pag-unlad ng digital economy ng Tsina.
Ang nasabing kaganapan ay isang patunay na patuloy na gagampanan ng Tsina ang pagiging gulugod ng pagpapatatag ng global industry chain at supply chain.
Salin: Vera
Pulido: Rhio