Ika-129 na China Import and Export Fair, binuksan

2021-04-15 16:08:37  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng online platform, binuksan Huwebes, Abril 15, 2021 ang ika-129 na China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair.
 

Ayon kay Xu Bing, Tagapagsalita ng nasabing perya, tatagal ng 10 araw ang kasalukuyang kaganapan.
 

Sa kasalukuyan, isinumite aniya ng mga kasaling kompanya ang mahigit 2.7 milyong paninda, at ito ay bagong rekord sa kasaysayan.
 

Saad ni Xu, halos 60,000 ang kabuuang bilang ng mga exhibition booth sa kasalukuyang Canton Fair, at kalahok dito ang halos 26,000 eksibitor mula sa loob at labas ng bansa.
 

Sa panahon ng peryang ito, 137 bagong produkto ng 85 namumunong kompanya ang ilalabas, sa pamamagitan ng mga litrato, video, 3D at virtual reality (VR) technologies.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method