Bukas at transparent, kooperasyong panseguridad ng Tsina at Solomon Islands

2022-04-26 16:56:50  CMG
Share with:

Bilang tugon sa concern ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australiya hinggil sa kooperasyong pangseguridad ng Tsina at Solomon Islands, ipinahayag nitong Abril 25, 2022, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang “pagtatatag ng base militar ng Tsina sa Solomon Islands” ay maling impormasyon na ikinakalat ng ilang tauhan na may sariling motibo.

 

Ani Wang, ang kooperasyong panseguridad ng Tsina at Solomon Islands ay batay sa prinsipyo ng pagkapantay-pantay at may mutuwal na kapakinabangan, angkop sa pandaigdigang batas, bukas at transparenct.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac