Ipinahayag kamakailan ni Sonexay Siphandone, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, na maayos na isinasagawa ang mga proyektong pangkooperasyon ng kanyang bansa at Tsina kaugnay ng paghulagpos sa kahirapan.
Aniya, dahil sa naturang proyekto, naitayo ang mga pasilidad na kinabibilangan ng linya ng koryente, patubig, at sistema ng kalusugan at telebisyon, para sa 100 mahihirap na nayon.
Dagdag niya, napapabuti rin ang kondisyon ng pamumuhay ng mga mamamayang nakatira sa mga nayong nakapaligid sa daambakal na itinatag ng Tsina sa Laos.
Bukod dito, sinabi niyang ang mga patakaran ng Tsina sa paghulagpos sa kahirapan ay dapat pag-aralan ng kanyang bansa.
Aniya, kailangang ibayo pang ipaliwanag sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan ng Laos ang kanilang responsibilidad tungo sa paghulagpos sa kahirapan para ipagkaloob ang tumpak na tulong sa mga nangangailangang nayon at mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio