CMG Komentaryo: Sino ba ang multo sa Pasipiko?

2022-04-29 14:25:06  CMG
Share with:

A spectre is haunting the Pacific. It is focused on Solomon Islands today, but has eyes everywhere and might pounce anywhere next. No, I’m not talking about China. I am talking about us.

 

Ito ang simula ng artikulo ni Terence Wood, Research Fellow sa Development Policy Centre ng Australian National University. Lumabas ang naturang artikulo sa The Guardian ng Britanya, bilang pagkondena sa labis na reaksyon ng Amerika at Australiya sa kasunduan ng kooperasyong panseguridad ng Tsina at Solomon Islands.

 

Bilang isang soberanong bansa, batay sa patas at may mutuwal na kapakinabangan, isinagawa ng Solomon Islands ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga larangang kinabibilangan ng pangangalaga sa kaayusang panlipunan, pangangalaga sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan, makataong tulong at iba pa. Pero, labis ang reaksyon ng Amerika at Australia sa isyung ito.

 

Ang dahilan ay hindi itinuturing ng Amerika at Australiya ang Solomon Islands bilang isang soberanong bansa.

 

At ito ay kaisipang kolonyal at ideya ng hegemonya.

 

Ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Pasipiko na kinabibilangan ng Solomon Islands ay pantay at walang anumang kondisyong pulitikal, na maaaring totoong makakabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan ng naturang mga bansa.

 

Pero, hindi pinahahalagahan ng Amerika at Australiya ang kahilingan ng pag-unlad ng mga bansa sa Pasipiko, sa halip nito, tinitingnan nila ang mga bansa sa Pasipiko bilang kasangkapan ng geopolitics.

 

Ang maling aksyong ito ng Amerika at Australiya ay hindi pagsuporta sa island states ng Pacific, at ang multong tulad nito ay agad na dapat mawala sa lugar na iyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac