8 katao, nasawi sa sunog sa UP Diliman

2022-05-02 17:04:43  CMG
Share with:


Di-kukulangin sa 8 katao ang nasawi, at 3 iba pa ang nasugatan, sa sunog na sumiklab ngayong umaga, Mayo 2, 2022, sa isang purok panirahan sa University of the Philippines Diliman.


Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Pilipinas, sumiklab ang sunog bandang alas-5 ng umaga sa loob ng UP Diliman compound. Ang anim sa mga namatay na kinabibilangan ng isang bata, ay natagpuan sa loob ng isang pabahay.


Tinupok ng apoy ang humigit-kumulang 80 pabahay at apektado ang humigit-kumulang 250 pamilya.


Umabot sa halos dalawang oras bago naapula ng mga bumbero ang apoy.


Ayon sa local media, marami sa mga pabahay sa komunidad ay gawa sa mga "light material."


Isinasagawa pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.


Editor: Liu Kai