2.7 milyong pasahero, tinatayang magbabyahe sa tren sa Mayo 3 sa buong Tsina

2022-05-03 12:10:29  CRI
Share with:

Ayon sa China State Railway Group Co., Ltd. (CHINA RAILWAY), naihatid nitong Lunes, Mayo 2, 2022 ng mga tren sa buong Tsina ang mahigit 2.35 milyong pasahero. Sa Martes naman, tinatayang ihahatid ng tren sa buong bansa ang 2.7 milyong pasahero.

 

Mula noong Abril 30 hanggang Mayo 4 ay bakasyon ng Labor Day sa Tsina. Mula noong Abril 28 hanggang Mayo 5, tinatayang sasakay ng tren sa iba’t ibang panig ng bansa ang mahigit 32 milyong pasahero.


Salin: Lito

Pulido: Mac