Kauna-unahang tren ng Daambakal ng China-Laos, dumating ng Vientiane

2021-12-06 15:26:01  CMG
Share with:

Dumating nitong Linggo ng madaling araw, Disyembre 5, 2021 (Beijing time) sa Vientiane, Laos ang treng may lulang mga paninda mula sa Tsina.
 

Ito ang kauna-unahang tren mula Kunming, Lalawigang Yunan ng Tsina, na nagtungo sa Vientiane sapul nang isaoperasyon ang buong linya ng China-Laos railway noong Disyembre 3.

Kauna-unahang tren ng Daambakal ng China-Laos, dumating ng Vientiane_fororder_20211206ChinaLaosRailway

May kabuuang haba na 1,035 kilometro, ang China-Laos railway ay ang unang daambakal na gamit ang pamantayang Tsino, at magkasamang itinatag at pinatatakbo ng Tsina at Laos.
 

Dahil sa pagsasaoperasyon ng naturang daambakal, iikli ang oras ng paghahatid ng paninda sa pagitan ng dalawang bansa, at magmumura ang gastos sa lohistika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method