15 milyon ang nasawi dahil sa COVID-19 nitong nakaraang dalawang taon

2022-05-06 15:02:25  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling estadistika na inilabas nitong Mayo 5, 2022, ng World Health Organization (WHO), umabot sa halos 15 milyon ang bilang ng mga nasawi na direkta o di-direktang dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong 2020 at 2021 sa buong daigdig.


Ang karamihan sa mga namatay ay mula sa Amerika, Timog Silangang Asya, Europa at iba pang rehiyon.

 

Ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO, na ipinakikita nitong kailangang mamuhunan ang lahat ng bansa sa mas madaling i-angkop na sistemang pangkalusugan para mapangalagaan ang pundamental na serbisyong pangkalusugan sa panahon ng krisis, na kinabibilangan ng mas malakas na sistema ng impormasyong pangkalusugan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac